MANILA, Philippines – Dumoble ang sulfur dioxide (SO2) emissions sa Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Sa pinakahuling 24-hour monitoring, nagbuga ang Bulkang Taal ng 1,314 tons ng sulfur dioxide mula sa main crater nito araw ng Huwebes, Mayo 21, o higit sa doble ng 625 tons na naitala ng Mayo 19 at 20.
Tinukoy pa rin naman ito ng PHIVOLCS bilang “weak emission.”
Mula Mayo 15 hanggang 18, nakapagtala ang PHIVOLCS ng average sulfur dioxide emission na 1,641 metriko tonelada kada araw.
Wala namang namataan na upwelling ng mainit na volcanic fluids sa main crater lake sa Taal Volcano Island (TVI).
Hindi rin nakapagtala ng smog o vog sa pinakahuling monitoring period.
Nakapagtala naman ng tatlong volcanic earthquake.
Nananatili sa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC