Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis
MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na magiging epektibo ang mga flood control projects ng pamahalaang lungsod ng Maynila kasabay ng pinaigting na paghahanda kontra pagbaha ngayong nalalapit ang tag-ulan.
Sa eksklusibong panayam ng Manila City Hall Press Club kay Yorme Isko, sinabi ng alkalde na tuloy-tuloy ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang masigurong handa ang lungsod sa posibleng epekto ng malalakas na pag-ulan at pagbaha.
Ayon kay Domagoso, malaki na umano ang naging improvement sa mga drainage system at daluyan ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng lungsod bunsod ng tuloy-tuloy na paglilinis at rehabilitasyon ng mga estero at kanal.
Sinabi rin ng alkalde na inaasahan nilang mababawasan na ang pagbaha sa ilang lugar sa Maynila dahil sa mga ginawang hakbang ng pamahalaang lungsod sa mga nakalipas na buwan.
Dagdag pa ni Yorme, hindi lamang ang Manila LGU ang kumikilos dahil katuwang din nila ang Department of Public Works and Highways o DPWH sa pagsasagawa ng mga proyekto upang mapabuti ang daloy ng tubig sa mga pangunahing lansangan.
Ayon sa alkalde, tiniyak umano sa kanila ng DPWH na puspusan na rin ang kanilang mga proyekto upang maiwasan ang matinding pagbaha lalo na sa mga pangunahing kalsada at flood-prone areas sa lungsod.
Samantala, binanggit din ni Domagoso ang mga isinasagawang proyekto ng ilang water at electric concessionaires na kasalukuyang nakaaapekto sa ilang kalsada sa Maynila.
Aniya, pinatitiyak nila sa mga concessionaires na matatapos ang kanilang mga proyekto sa itinakdang oras upang hindi na magdulot pa ng matinding abala sa trapiko at sa mga residente ng lungsod.
Bukod sa flood control measures, sinabi rin ng alkalde na patuloy ang operasyon ng iba’t ibang departamento ng Manila LGU para mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa buong lungsod ngayong panahon ng tag-ulan.
Tiniyak naman ni Domagoso sa mga Manileño na mananatiling nakatutok ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang makatutulong upang mabawasan ang epekto ng pagbaha at mapanatiling ligtas ang publiko sa gitna ng pabago-bagong kondisyon ng panahon. JAY Reyes