Home NATIONWIDE NFA magdadagdag ng milling facility para sa ‘Benteng Bigas’

NFA magdadagdag ng milling facility para sa ‘Benteng Bigas’

47
0

MANILA, Philippines – Naglunsad ang National Food Authority (NFA) ng emergency procurement para sa dagdag na rice milling facilities upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng murang bigas sa ilalim ng programang “Benteng Bigas.”

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, direktang bumibili ang gobyerno ng palay mula sa mga magsasaka at pinoproseso ito upang maibenta sa halagang P20 kada kilo.

Sa ngayon, mayroon nang 11,000 Benteng Bigas stores sa buong bansa, ngunit nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na triplehin pa ito.

“Kami ay gumagawa ng emergency procurement para sa milling services para mas mapabilis natin ang out,” ani Lacson.

Maglalagay din ng dagdag na rice milling facilities sa Aurora province upang makatulong sa tuloy-tuloy na suplay ng murang bigas.

“Maglalagay tayo ng karagdagang rice milling facilities sa Aurora para makatulong tayo sa walang putol na supply ng benteng bigas,” dagdag niya.

Sinabi rin ng NFA na nakabili na sila ng 25,000 metric tons ng palay mula Abril hanggang Mayo 2026 bilang buffer stock ng ahensya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here