Home NATIONWIDE Cybersecurity, AI cooperation, pinalakas ng PH-US

Cybersecurity, AI cooperation, pinalakas ng PH-US

55
0

MANILA, Philippines – Pinalawak ng Philippines at United States ang kanilang kooperasyon sa teknolohiya matapos magpulong ang matataas na opisyal ng dalawang bansa tungkol sa cybersecurity at artificial intelligence (AI).

Ayon sa Department of National Defense, nakipagpulong si Defense Undersecretary Fabian Pedregosa kay William Guidera sa Camp Aguinaldo nitong Biyernes.

Tinalakay nila ang pagpapalakas ng ugnayan sa cybersecurity, AI, digital infrastructure, trusted technologies, at modernization ng depensa.

Binanggit ni Pedregosa ang mga kasalukuyang hakbang ng gobyerno tulad ng pagtatatag ng AFP Cyber Command at Office of the Undersecretary for Information Systems and Cybersecurity upang mapalakas ang cyber resilience at AI-enabled capabilities.

Kasama rin sa usapan ang pagpapahusay ng digital transformation, secure infrastructure, at C4ISTAR modernization para suportahan ang national security at operational resilience.

Nagbigay naman ang delegasyon ng US ng overview sa kanilang mga programa para sa trusted AI partnerships at technology cooperation, habang muling pinagtibay ang kahalagahan ng alyansa ng dalawang bansa sa ligtas at matatag na technology ecosystem.

Nagkasundo rin ang dalawang panig na palawakin pa ang capability building, workforce development, at pakikipagtulungan sa mga industriya at ahensya para sa modernization initiatives. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here