Home HOME BANNER STORY Apela ng kampo ni Duterte, tinanggihan ng ICC; patuloy na detensyon, inirekomenda

Apela ng kampo ni Duterte, tinanggihan ng ICC; patuloy na detensyon, inirekomenda

43
0

THE HAGUE, Netherlands – Tinanggihan ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) ang apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pigilan ang pag-usad ng kanyang kaso at hamunin ang kumpirmasyon ng mga kaso laban sa kanya.

Sa desisyon na may petsang Mayo 21, sinabi ng ICC Pre-Trial Chamber I na ang dalawang batayan ng depensa ay hindi pasok bilang “appealable issue within the meaning of Article 82 (1)(d) of the Rome Statute.”

Ayon sa korte, natiyak nila ang tatlong grupo ng mga biktima na kabilang sa kasong murder, kaya malinaw ang saklaw ng kaso at maaaring ituloy ang paglilitis.

“The PTC I was referring to the three groups composed of 78 individuals who were killed during Duterte’s so-called war on drugs.”

Tinawag din ng korte na maling interpretasyon ng depensa ang pag-aakala na kailangan ng mas detalyadong pagbusisi sa bawat insidente sa yugtong pre-trial.

“As rightly indicated by the CLRVs (common legal representative of victims), a decision on the confirmation of charges does not require a detailed, incident-by-incident adjudication comparable to a trial judgement,” ayon sa ICC.

Dahil dito, sinabi ng mga abogado ng mga biktima na patunay ito na tuloy na ang kaso patungo sa trial stage.

Samantala, nakatakdang magsimula ang status conference sa Mayo 27 bilang paghahanda sa paglilitis.

Sa hiwalay na ruling ng Trial Chamber III, itinuloy ang detention ni Duterte sa The Hague matapos makita ang mataas na posibilidad na siya ay tumakas kung palalayain.

Ayon sa ICC, “confirmation of charges increases the risk that an accused may abscond and is therefore not a change in circumstances that militates in favour of conditional release, but rather one supporting continued detention.”

Binanggit din ng korte ang pahayag ni Duterte na tinawag niyang “kidnapping” ang kanyang paglipat sa ICC custody, na indikasyon umano na hindi siya susunod sa anumang kondisyon ng paglaya.

Sa kasalukuyan, wala pang petsa kung kailan opisyal na magsisimula ang trial proper, ngunit tuloy ang preparasyon para dito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here