Home NATIONWIDE Duterte pinayagan ng ICC na ‘di dumalo sa unang status conference ng...

Duterte pinayagan ng ICC na ‘di dumalo sa unang status conference ng kaso

54
0

THA HAGUE, Netherlands – Pinayagan ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dumalo sa unang status conference ng kanyang kaso na nakatakda sa Mayo 27 sa The Hague, matapos sabihin ng kanyang depensa na nais niyang i-waive ang kanyang karapatang humarap.

Sa isang pitong pahinang order na may petsang Mayo 22, sinabi ng ICC Trial Chamber III na inaprubahan nito ang kahilingan ng depensa na palayain si Duterte sa obligasyong dumalo sa nasabing pagdinig.

Ayon sa korte, “wishes to waive his right to appear before the Chamber on 27 May 2026 and fully trusts his legal team to address the procedural matters listed on the status conference agenda.”

Sinabi ng ICC na iginiit ng depensa na ang obligasyon ng akusado na humarap ay para lamang sa mismong trial at hindi sa status conferences na “essentially administrative in nature.” Gayunman, inatasan ng korte ang depensa na magsumite bago Mayo 25 ng personal na nilagdaang waiver ni Duterte.

Kinikilala rin ng ICC ang bagong legal team ni Duterte, na pinamumunuan ni British barrister Peter Haynes at associate counsel na si Kate Gibson, matapos umatras ang naunang abogado.

Sa status conference, tatalakayin ang mga paghahanda para sa trial, kabilang ang petsa ng pagsisimula ng paglilitis, bilang ng testigo, ebidensya, witness protection, disclosure obligations, victims’ participation, at iba pang usaping kailangang resolbahin bago ang trial.

Tinanggihan din ng ICC ang hiling ng isang victims’ legal representative na si Atty. Gilbert Andres na makadalo online, dahil sa limitasyon sa secure remote connection at dahil may ibang miyembro ng legal team na personal na dadalo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here