Home METRO Mr. Philippines 2026 Culture and Arts Ambassador, utas sa motorcycle accident

Mr. Philippines 2026 Culture and Arts Ambassador, utas sa motorcycle accident

4
0

BULACAN, Philippines – Pumanaw sa edad na 24 si Jacob Aaron Polintan, Mr. Philippines 2026 Bulacan Province at Culture and Arts Ambassador, matapos umanong maaksidente sa motorsiklo nitong Oktubre 7.

Kinumpirma ng Mr. Philippines organization ang kanyang pagpanaw sa isang pahayag na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya, kaibigan, supporters at mga mahal sa buhay ni Polintan.

Ayon naman sa Ginoo at Binibining Paombong Organization, motorcycle accident ang sanhi ng kanyang pagpanaw. Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang organisasyon tungkol sa insidente.

Si Polintan ay dating tinanghal na Ginoong Bulacan 2024 at Ginoong Paombong 2023. Naging bahagi rin siya ng Mr. Philippines 2026 kung saan kinilala siya bilang Culture and Arts Ambassador.

Patuloy namang bumuhos ang pakikiramay mula sa pageant community, mga kaibigan, kakilala at kanyang mga tagasuporta habang nagluluksa ang kanyang pamilya. RNT/MDS/Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here