Home METRO 45-anyos nanghalay ng menor, huli; ina ng suspek kasabwat, pinaghahanap pa

45-anyos nanghalay ng menor, huli; ina ng suspek kasabwat, pinaghahanap pa

3
0

MALABON CITY, Philippines – Arestado ang 45-anyos na lalaki habang pinahahanap pa ang kanyang ina na nakipagsabuwatan sa kanyang anak upang maisagawa ang panghahalay sa 14-anyos na dalagitang may learning disability sa Malabon City.

Sa ulat, naglalakad sa kalsada ang Grade 1 student na biktima na nagbakasyon lang sa lungsod mula sa lalawigan ng Laguna nang lapitan at pakiusapan siya ng 65-anyos na ina ng suspek na tulungan siyang maihiga ang lasing na lasing niyang anak sa kama sa loob ng kanilang tirahan sa Labahita St. Brgy. Longos dakong alas-8:00 noong Linggo ng gabi.

Nagtiwala naman umano ang biktima subalit pagpasok nila sa kuwarto, umalis kaagad ang matandang babae at naiwan ang dalagita at ang suspek sa loob ng silid.

Pinagbantaan umano ng suspek ang dalagita na sasaksakin kapag hindi pumayag sa kanyang kagustuhang makipagtalik kaya walang nagawa ang biktima nang puwersahan siyang halayin ng lalaki.

Matapos ang panghahalay, nagsumbong ang dalagita sa kanyang ama na kaagad humingi ng tulong sa pulisya na dahilan upang madakip ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ang suspek habang tinutugis pa ang kanyang ina.

Ayon sa pulisya, sinamantala ng mag-ina ang kalagayan ng dalagita na madaling mahikayat dahil sa atrasado ang pang-unawa kumpara sa mga normal na bata kaya mas mabigat na kaparusahan ang naghihintay sa mag-ina sa ginawa nilang paglapastangan sa menor-de-edad na biktima. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here