MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang maglive-in partner na sangkot sa bentahan ng iligal na droga at tinukoy bilang high-value individuals sa operasyon sa Barangay Sta. Clara, Batangas City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Bogs,” 45, at live-in partner nitong si “Bopak,” 44, tindero ng isda.
Nakuha mula sa mga suspek ang 42 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 209.74 gramo at nagkakahalaga ng P1,426,232.
Naka-detain sa Batangas City Police Station custodial facility ang dalawang suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11, ng Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC