Home NATIONWIDE Trough ng LPA, shear line at Amihan makakaapekto sa bansa

Trough ng LPA, shear line at Amihan makakaapekto sa bansa

1
0

MANILA, Philippines – Apektado ng trough ng low pressure area, shear line at Amihan ang bansa ngayong Biyernes, Oktubre 30.

Ayon sa PAGASA, ang Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Quezon, at Camarines Norte ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.

Ang Negros Island Region, Central and Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil naman sa trough ng LPA.

Samantala, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Batanes ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Amihan.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here