MANILA, Philippines – Nagsimula na ang rehabilitasyon ng gumuhong bahagi ng Baguio-Bontoc Road sa Barangay Caliking, Atok, Benguet.
Sa pahayag nitong Sabado, Mayo 23, iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang naturang highway ay naging one-lane road lamang at isang taon nang nasa ilalim ng stop-and-go traffic scheme.
Inatasan ni Public Works Secretary Vince Dizon ang DPWH – Cordillera Region na maglagay ng early warning devices para sa kaligtasan ng mga motorista at commuter sa panahon ng repair.
Ang bahagi ng naturang kalsada ay nasira ng sunod-sunod na bagyo noong Hulyo 2025.
Kamakailan ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DPWH ang agarang repair ng nasirang kalsada para sa kaginhawahan ng mga motorista na nahihirapan sa masikip at mapanganib na kalsada.
Ang Baguio-Bontoc Road ay kabilang sa mga pangunahing kalsada patungo sa Baguio City. RNT/JGC