Home NATIONWIDE DOH: Training, recruitment sagot sa global nurse shortage

DOH: Training, recruitment sagot sa global nurse shortage

59
0

MANILA, Philippines -Kinilala ng World Health Organization ang pagsisikap ng Pilipinas na palakasin ang global health workforce at panatilihing ligtas ang mundo mula sa pagkalat ng mga virus, ayon sa DOH nitong Linggo, Mayo 24.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, binabalanse ng ahensya ang pagtulong sa ibang bansa at ang pagtugon sa pangangailangan ng sariling sistemang pangkalusugan.

Sinabi niyang ang solusyon sa kakulangan ng nurses sa mundo ay hindi lang recruitment, kundi pati knowledge-sharing, training, at capacity building kung saan nakakatulong ang mga DOH healthcare worker sa ibang bansa sa pamamagitan ng kanilang clinical competence at mataas na standards.

Binigyang-diin din ng DOH, kasabay ng pahayag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na mahalaga ang kooperasyon ng mga bansa dahil ang mga virus at sakit ay hindi pumipili ng hangganan o pulitika. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here