Home NATIONWIDE Santa Cruzan ‘wag gawing pageantry; bumalik sa diwa ng pananampalataya – Obispo

Santa Cruzan ‘wag gawing pageantry; bumalik sa diwa ng pananampalataya – Obispo

55
0
larawan mula kina Christine Jolina Marquez, Jane Alfonso, Ernie Reyes, Malolos CIO

MANILA, Philippines – Pinapaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang publiko na ibalik sa tunay na diwa ng pananampalataya ang Santa Cruzan, sa gitna ng pagdaraos nito tuwing huling linggo ng Mayo bilang bahagi ng Flores de Mayo.

Sinabi ni Florencio na nakakabahala ang ilang Santa Cruzan na nagiging “pageantry” na may halong kalaswaan at disrespect. Giit niya, hindi ito naaayon sa tamang layunin ng tradisyon.

Ayon sa Obispo, bagamat maganda ang tradisyon, dapat itong manatiling nakasentro sa respeto, kabanalan, at pananampalataya, at hindi mahaluuan ng kalaswaan o makamundong pagpapakita.

“Dapat may respeto. Hindi ito sang-ayon sa ating right reason at sa ating mga gawain. Kung mayroon nang disrespect, lalo na sa pageantry, nawawala ang saysay,” ani ng Obispo.

Panukala niya, ihiwalay sa ibang araw ang mga sekular na gawain para hindi mabago ang kahulugan ng pagdiriwang na tumutukoy sa paghahanap ni Reyna Helena sa Banal na Krus ni Kristo.

“Huwag i-timing doon sa Flores de Mayo at pag-aalay natin sa Mahal na Birhen. Maraming araw na pwedeng pagpilian,” dagdag niya.

Para kay Florencio, mas mainam na panatilihing sagrado ang Santa Cruzan upang manatili itong pagpapakita ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria at pagpapahalaga sa Krus ni Kristo—mga kaugaliang nagbubuklod sa mga pamayanan tuwing Mayo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here