Home NATIONWIDE Mabini, Batangas sinapul ng landslide

Mabini, Batangas sinapul ng landslide

1
0

MANILA, Philippines – Gumuho ang malaking bahagi ng gilid ng bundok sa Barangay San Teodoro, Mabini, Batangas nitong Biyernes ng hapon, Oktubre 2.

Dahil dito ay kinailangang inilikas ang mga residente sa apektadong lugar.

Ayon sa Mabini Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang landslide ay nagdulot sa bahagi ng kalsada at riprap na gumuho dahilan para isara ang Bauan-Mabini Road sa Sitio Guitisan at Sitio Balanoy.

Naapektuhan din ang apat na poste ng kuryente ng Batangas Electric Cooperative II (BATELEC II) kung kaya’t nawalan ng suplay ng kuryente sa dalawang barangay.

Dalawang pamilya ang inilikas mula sa lugar dahil sa banta ng panibagong landslide.

Ang landslide ay naganap alas-6 ng gabi ng Biyernes.

Napansin umano ng mga residente ang tubig na dumadaloy sa kalsada maaga pa lamang ng kaparehong araw.

Sa inspeksyon, nakita ng mga tauhan ng DPWH ang tubig na umaagos mula sa mataas na bahagi ng bundok.

Ayon sa MDRRMO, ang landslide ay posibleng sanhi ng saturated na lupa dahil sa sunod-sunod na mga pag-ulan.

Ang landslide ay tinatayang may habang 200 metro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here