Home NATIONWIDE Lacson nanawagan ng multiagency probe sa Taguig reclamation

Lacson nanawagan ng multiagency probe sa Taguig reclamation

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Panfilo Lacson nitong Sabado, Oktubre 3 ng multi-agency investigation sa patuloy umanong illegal reclamation activities sa bahagi ng Laguna Lake na matatagpuan sa Taguig.

Ani Lacson, dapat na magtulungan ang mga ahensya ng pamahalaan para matukoy ang nasa likod ng umano’y pagtatambak ng basura at paglalagay ng mga materyales sa lawa.

“Ako ang nag-suggest noon nang nagkaroon ng conference sa office ko. Masama ba yan? Ako ang nag-consolidate, mag tulong-tulong tayo to get to the bottom of this issue. Pagka laki-laki ng area na natabunan ng basura at filling materials ang Laguna Lake sa Taguig side, ito ang Lakeshore, 170 hectares,” sinabi ni Lacson sa panayam sa radyo.

Aniya, dapat magsanib-pwersa ang mga ahensya gaya ng Philippine Reclamation Authority (PRA), Land Registration Authority (LRA), Laguna Lake Development Authority (LLDA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Office of the Ombudsman, at Department of Public Works and Highways (DPWH), para imbestigahan ang usapin.

“Pag reclamation, PRA. Pag Laguna Lake, LLDA and DENR kasi kung basura tinatambak mo concern ng DENR yan. Pag infrastructure projects, DPWH. Pag kaso, Ombudsman. Kaya composite ‘yan,” paliwanag pa niya.

Patuloy umano siyang mangangalap ng ebidensya sa isyu sa kabila ng mga naunang sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano.

“Hindi ko papatulan pero ang paghanap ng ebidensya, tuloy-tuloy ang pagkalap ng ebidensya.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here