Home METRO M5.3 lindol, yumanig sa Surigao del Sur

M5.3 lindol, yumanig sa Surigao del Sur

95
0

SURIGAO DEL SUR, Philippines – Isang magnitude 5.3 na lindol ang naitala sa karagatan malapit sa Bayabas noong gabi ng Mayo 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.

Batay sa Earthquake Information No. 1 bulletin ng ahensya, nangyari ang lindol alas-9:19 ng gabi at natukoy na nasa 50 kilometro hilagang-silangan ng Bayabas.

May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Sa ngayon, wala pang naitatalang pinsala o nasaktan dahil sa lindol.

Gayunman, nagbabala ang Phivolcs sa posibilidad ng mga aftershock sa mga apektadong lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here