Home METRO Trough ng LPA magdadala ng ulan sa Mindanao, Palawan

Trough ng LPA magdadala ng ulan sa Mindanao, Palawan

36
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao at Palawan ngayong Lunes ang trough o buntot ng low pressure area (LPA), ayon sa PAGASA.

Sa 4 a.m. weather forecast ng PAGASA, sinabi na ang LPA (LPA 05e) ay namataan alas-2 ng madaling araw na nasa 1,515 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao at nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

May medium chance umano itong maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Samantala, makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms ang Bicol Region at Quezon dahil sa easterlies.

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms din ang inaasahan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods o landslides tuwing may katamtaman hanggang malakas na ulan o matinding thunderstorms.

Makakaranas naman ng mahina hanggang katamtamang hangin at bahagya hanggang katamtamang pag-alon ng dagat sa Visayas, Mindanao, Palawan, Northern Luzon, at nalalabing bahagi ng Luzon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here