Home METRO Gumuhong gusali sa Pampanga, may work stoppage order dahil sa safety violation...

Gumuhong gusali sa Pampanga, may work stoppage order dahil sa safety violation – DOLE

37
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), dati nang inilabas ang work stoppage order laban sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga dahil sa mga paglabag sa safety standards noong nakaraang taon.

Sinabi ng DOLE na ang naturang construction site ay may naitalang seryosong isyu sa occupational safety at health kaya ipinahinto ang operasyon nito noon. Gayunman, lumabas sa ulat na ipinagpatuloy pa rin ang ilang gawain sa proyekto bago ang insidente ng pagbagsak ng gusali.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dahilan ng pagbagsak ng gusali na ikinasawi at ikinasugat ng ilang manggagawa, habang marami pa ang pinangangambahang na-trap sa ilalim ng gumuhong istruktura.

Nauna nang kinumpirma ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Angeles City na nakikipagtulungan sila sa DOLE at iba pang ahensya para matukoy ang mga responsableng partido at kung bakit hindi nasunod ang safety orders.

Binibigyang-diin din ng DOLE ang kahalagahan ng pagsunod sa occupational safety laws upang maiwasan ang kaparehong trahedya sa hinaharap. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here