Home METRO 10 most wanted sa Bicol, naaresto sa iba’t ibang operasyon ng Pulisya

10 most wanted sa Bicol, naaresto sa iba’t ibang operasyon ng Pulisya

45
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng Police Regional Office in Bicol (PRO-5) ang top 10 most wanted persons sa rehiyon sa magkakahiwalay na operasyon nitong Mayo, ayon sa ulat ng pulisya.

Kabilang sa mga kaso ng mga naaresto ang murder, rape, qualified rape, statutory rape, attempted rape, at acts of lasciviousness.

Ayon kay PRO-5 director Brig. Gen. Erosito Miranda, ang mga operasyon ay malaking tagumpay para sa mga biktima at kanilang pamilya na matagal nang naghahanap ng hustisya. Dagdag niya, patuloy ang pinaigting na kampanya laban sa mga wanted persons upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Bicol.

Kabilang sa mga naaresto si “Joe,” na may kasong non-bailable murder at nahuli sa Cavite noong Mayo 5, 2026. Naaresto rin si “Ric,” 47-anyos at No. 2 most wanted, noong Mayo 11 dahil sa kasong murder.

Kasama rin sa mga nahuli si “Dan,” na apat na taon umanong nagtatago sa Zamboanga at may kasong murder; si “Ninoy,” No. 4 most wanted at may kasong murder; at si “Jose,” na nahaharap sa tatlong bilang ng rape.

Naaresto rin si “Erald” (No. 6) na may kasong dalawang rape at acts of lasciviousness; si “Ron” (No. 7) para sa acts of lasciviousness at qualified rape; si “Thor” (No. 8) para sa attempted rape at qualified rape; si “Gio” (No. 9) para sa acts of lasciviousness at statutory rape; at si “Bert” (No. 10) para sa qualified rape.

Pinuri ni Miranda ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at sinabing ipagpapatuloy ng PRO-5 ang operasyon laban sa iba pang wanted persons upang mapanatili ang kaayusan at hustisya sa rehiyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here