Home NATIONWIDE Pakikibaka sa karapatan ng magsasaka, ‘di ipagpapalit sa pulitika – Pangilinan

Pakikibaka sa karapatan ng magsasaka, ‘di ipagpapalit sa pulitika – Pangilinan

33
0

MANILA, Philippines – Kahit nagpapatuloy ang sigalot sa Senado na nagresulta sa palitan ng posisyon, tiniyak ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na hindi nito ipagpapalit ang pulitika sa pakikipaglaban sa karapatan at kagalingan ng magsasaka.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na hindi dapat manaig ang political power struggle na pagdudusahan ng ordinaryong Filipino na lubhang sinasalanta ng pagtaas na halaga ng bilihin at kawalan ng seguridad sa pagkain.

Dating chairman si Pangilinan ng Senate committee on agriculture, foods and agrarian reform ngunit tila mapupunta ito sa ilang senador na malaki ang interes ng negosyo ng pamilya sa lupain ng magsasaka na ginagawang subdivision.

Aniya, habang nakikipaglaban ang mga pulitiko sa posisyon, patuloy na nakikihamok ang mamamayang Filipino sa pang-araw araw na gutom, mataas na halaga ng produkto at lumiliit na kita.

“Makapaghihintay ang pulitika; ang gutom, hindi, ayon kay Pangilinan matapos suspendihin ang pagdinig sa kinahaharapmna sitwasyon ng magsasakang nagtatanim ng gulay sa Benguet.

Sinabi ni Pangilinan na hindi lamang ang program ang simpleng sobrang ani ng repolyo at carrots kundi ang lumalalang krisis sa logistics na pinilay ang sobrang taas ng halaga ng gatong.

Base sa huling pakikipagpulong nito kay Chef Waya at ilang magsasaka sa Benguet, sinabi ng senador na umayaw ang ilag truckers na ibiyahe ang kanilang ani dahil kinakain ng sobrang taas ng halaga ng petrolyo ang kanilang kita.

Ilang araw matapos magkaroon ng reshuffle sa Senado kaya nakansela ang nakatakdang pagdinig. Kaagad nagtungo si Pangilinan sa apektadong magsasaka upang dinggin ang kanilang hinaing.

“Ipaglalaban pa rin natin. Hihingi pa rin tayo ng request na ituloy yung mga hearing at mag-conduct ng mga hearing. At sana pakinggan tayo,” ani Pangilinan.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here