MANILA, Philippines – Hiniling ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na maglabas ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kina Sen. Rodante Marcoleta, dating kongresista na si Michael Defensor, at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray kaugnay ng kasong plunder, indirect bribery, at umano’y paglabag sa Presidential Decree No. 46.
Ayon sa Ombudsman, naghain ito ng verified ex parte application matapos madawit ang apat sa reklamong may kaugnayan sa batas noong 1972 na nagbabawal sa pagbibigay ng regalo sa mga opisyal ng gobyerno.
Nakatakdang dinggin ng Seventh Division ng Sandiganbayan ang aplikasyon para sa PHDO ngayong Martes.
Nauna nang nagsagawa ng imbestigasyon ang Commission on Elections kaugnay ng umano’y PHP75 milyong campaign donations na natanggap ni Marcoleta ngunit hindi umano nito idineklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures noong Enero 2025. Santi Celario