Home HOME BANNER STORY Number coding suspendido sa Eid’l Adha sa Mayo 27

Number coding suspendido sa Eid’l Adha sa Mayo 27

58
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority nitong Lunes ang suspensyon ng expanded number coding scheme sa Mayo 27 bilang paggunita sa Eid’l Adha.

Ayon sa advisory ng MMDA, awtomatikong suspendido ang number coding tuwing regular holiday at special non-working holiday.

“Planuhin mabuti ang inyong biyahe upang maiwasan ang anumang aberya. Sumunod sa batas-trapiko at mag-ingat sa inyong pagmamaneho,” ayon sa ahensya.

Nauna nang idineklara ng Malacañang ang Mayo 27, 2026 bilang regular holiday sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha.

Inihayag naman ng Bangsamoro Darul-Ifta’ na nagsimula ang buwan ng Dhul-Hijjah 1447 AH noong Mayo 18, habang nakatakda ang Eid al-Adha sa Mayo 27.

Kilala rin bilang “Festival of Sacrifice,” ang Eid al-Adha ang ikalawang pinakamahalagang pagdiriwang sa kalendaryong Islamiko at ginugunita tuwing ika-10 araw ng Dhul Hijjah. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here