MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng jackpot prizes para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 sa ginanap na draw nitong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Lumabas sa Grand Lotto 6/55 ang kombinasyong 48-42-23-18-55-33 para sa tinatayang jackpot na nasa ₱45 milyon, ngunit walang tumama sa lahat ng anim na numero.
Sa Mega Lotto 6/45 naman, lumabas ang numerong 21-13-43-28-05-17 na may jackpot na humigit-kumulang ₱25.36 milyon. Wala ring nanalo sa jackpot prize.
Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado habang isinasagawa naman ang Mega Lotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. RNT