Home OPINION
60
0

NAGING OFW/IMMIGRANT LANG YUMABANG NA

MAY mga taong kapag umasenso sa buhay ay nakalilimot na sa kanilang pinagmulan. Dahil sa kayabangan, nagbabago ang ugali—nagiging mapagmataas, matapobre, at nawawalan ng tunay na malasakit sa kapwa.

Ang ganitong mga pangyayari ay kadalasang nakikita sa ilang overseas Filipino worker at immigrant na nagbabago ang ugali matapos umasenso. Akala nila, sila na ang pinakamayaman sa kanilang lugar at may pinakamataas na antas sa kanilang angkan.

Nilalakad pa lang nila ang kanilang visa at mga ilang papeles ay nangangarap na agad ng matayog at nag-aambisyon sa sandaling yumaman sila.

Ang ilan kasi sa kanila bago nakapag-abroad ay nakaranas ng panlalait, pinagdaramutan kaya kapag nakaahon ay iniisip kung paano makapaghiganti sa mga taong nang-api o nanlait sa kanila.

Ngunit hindi lahat ay pare-pareho dahil kung maraming OFW at immigrant ang saksakan ng yabang nariyan pa ring ang iba sa kanilà na nananatiling mapagkumbaba, matulungin, at malapit sa pamilya kahit matagal sa abroad.

Maaaring pagbabago ng kapaligiran at kultura – ang matagal na paninirahan sa ibang bansa ay nakaaapekto sa kanilang pananalita, pananamit, at pakikitungo sa kapwa. Minsan iniisip ng iba na “nag-iiba na ang ugali,” kahit natural lang na may natutunang bagong asal.

Minsan may OFW at immigrant na nagmumukhang “mayabang” dahil gusto nilang ipakita na naging matagumpay ang sakripisyo nila, kahit sa loob ay marami rin silang problema at lungkot.

Bukod sa OFW may ilan namang immigrant na akala mo ay nahakot na nila ang lahat ng dolyar sa bansang kanilang pinuntahan. Kung umasta ay parang napakataas nang kanilang estado sa buhay, kahit empleyado rin naman at namamasukan lamang sa mga kompanya.

May mga pagkakataon na `hindi maganda kapag nagpanagpo ang OFW at immigrant dahil hindi magkasundo ang ang mga ito dahil pareho lang silang mayabang.

Mahalaga ring tandaan na ang pag-uugali ay hindi dahil lang sa pagiging OFW o immigrant. Nasa tao pa rin iyon—may mayabang kahit hindi nag-abroad, at may mabait kahit malaki na ang kinikita.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here