Home NATIONWIDE Bagyo posibleng mabuo sa 24 oras, papasok sa PAR sa weekend

Bagyo posibleng mabuo sa 24 oras, papasok sa PAR sa weekend

47
0

MANILA, Philippines – Maaaring maging isang tropical depression sa loob ng 24 oras ang isang low-pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at posibleng pumasok sa PAR sa huling bahagi ng linggong ito, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa ulat ng PAGASA noong alas-8 ng umaga ng Martes, Mayo 26, ang LPA ay tinatayang nasa 1,370 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao.

Sa climate forum ng ahensya, sinabi ni weather specialist Daniel James Villamil na posibleng pumasok ang sistema sa PAR sa Huwebes o Biyernes, Mayo 28 o 29, at tatawaging “Domeng” kapag ito ay naging tropical cyclone sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon kay Villamil, inaasahang kikilos ang weather disturbance pahilaga o pahilagang-kanluran, ngunit maaari pa itong magbago depende sa pag-unlad nito.

“Sa ating latest satellite images, makikita natin itong trough or extension ay nakakaapekto over the southern portion ng Pilipinas. Magdudulot ito ng pag-ulan sa northern and eastern portions of Mindanao (In the latest satellite images, we can see that the trough or extension is affecting the southern portion of the Philippines. This will bring rains over the northern and eastern portions of Mindanao),” aniya.

Dagdag pa niya, maaaring magdulot din ng pag-ulan sa Palawan at kanlurang Mindanao, kabilang ang Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at Soccsksargen, ang southwesterly wind flow o unang pag-iral ng southwest monsoon o “habagat.”

Inaasahan namang magiging maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, na may bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at mga panaka-nakang pag-ulan o thunderstorm sa hapon o gabi.

Ayon pa kay Villamil, ang posibleng pag-develop ng LPA bilang tropical cyclone ay maaaring magpasimula ng southwest monsoon, na posibleng magdulot ng mas tuloy-tuloy na pag-ulan sa Palawan, Visayas, at Mindanao sa mga susunod na araw. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here