Home HOME BANNER STORY Tropical Depression sa labas ng PAR patuloy na binabantayan

Tropical Depression sa labas ng PAR patuloy na binabantayan

30
0

MANILA, Philippines – Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang tropical depression sa labas ng Philippine area of responsibility.

Sa huling ulat, namataan ang sentro ng Tropical Depression sa layong 1,330 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 45 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito nang mabagal sa direksyong southward.

Inaasahang papasok ito sa PAR pagsapit ng Huwebes ng hapon at aabot sa Tropical Storm hanggang Typhoon category habang ito ay nasa Philippine Sea.

Malabong mag-landfall ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa ngunit posible nitong palakasin ang Southwest Monsoon o Habagat sa Sabado, Mayo 30. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here