MANILA, Philippines – Nag-walk out ang mga senador ng minorya sa botohan sa mosyon na talakayin sa plenaryo ang panukalang rule amendment para payagan ang mga senador na lumahok sa mga sesyon ‘remotely.’
Nagmosyon si Senate Minority Leader Sen. Vicente “Tito” Sotto III para sa quorum call at adjournment bf sesyon matapos umalis sa session hall ang mga miyembro ng minority.
Sa no quorum, sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na hindi tututol ang mayorya sa mosyon na i-adjourn ngunit ilalagay sa rekord na ang mga miyembro ng minorya “scampered.”
Nagsimula ang mainitang debate nang ipakilala ni acting Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva sa plenaryo ang panukala ni Senator Rodante Marcoleta na amyendahan ang kautusan at isama ang probisyon na magbibigay-daan sa mga senador na dumalo sa plenary sessions sa pamamagitan ng teleconferencing.
Sinegundahan naman ni Cayetano ang pagtalakay sa plenaryo sa naturang panukala, na tinutulan naman ng minority senators.
Hinimok ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri ang ibang miyembro ng minority bloc na umalis sa plenary session matapos na igiit ng majority bloc na magbotohan na lamang.
“This is a travesty of our rules,” sinabi ni Zubiri. RNT/JGC