Home HOME BANNER STORY Marcoleta sinita ni Tulfo sa ‘ad hominem’ remarks

Marcoleta sinita ni Tulfo sa ‘ad hominem’ remarks

71
0

MANILA, Philippines – Sinita ni Senador Erwin Tulfo si Senador Rodante Marcoleta matapos umano itong magbitaw ng “ad hominem” na pahayag sa gitna ng mainit na diskusyon sa Senado kaugnay ng panukalang payagan ang online participation ng mga absent na senador sa sesyon.

Nag-ugat ang tensyon nang igiit ng majority bloc ang pag-amiyenda sa Senate rules para sa electronic voting at teleconference participation.

Iginiit ni Marcoleta na hindi na kailangan ng one-day waiting period sa kanyang mosyon dahil una na niya itong inihain noong Mayo 11.

Ngunit kinontra ito ni Senador Risa Hontiveros at sinabing bagong mosyon na ito dahil ang naunang panukala ay naipasa na sa Committee on Rules at hindi pa naibabalik sa plenaryo.

Ayon kay Hontiveros, hindi pa buo ang Committee on Rules kaya walang maaaring magbalik ng mosyon sa plenaryo.

“The motion that Sen. Marcoleta wants to discuss is a new motion,” ani Hontiveros, kaya dapat umanong sundin ang one-day waiting period sa ilalim ng Section 136 ng Senate rules.

Sa halip na direktang sagutin ang argumento, sinabi ni Marcoleta na mahirap umano intindihin ang rules kung walang legal background.

“This is where it gets difficult if we don’t have a legal background,” ani Marcoleta.

Dahil dito, agad na tumayo si Tulfo para sa point of order.

“Point of order! Ad hominem! It is not right to say that his colleague knows nothing about the law,” ani Tulfo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here