Home NATIONWIDE 49 lugar sa bansa makakaranas ng matinding init

49 lugar sa bansa makakaranas ng matinding init

33
0

MANILA, Philippines – Inaasahang makararanas ng danger-level heat index ang Metro Manila at 48 iba pang lugar ngayong Miyerkules, Mayo 27, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ngayong Eid’l Adha holiday, posibleng umabot sa 46°C ang heat index sa ilang lugar, na kabilang sa danger category o 42°C hanggang 51°C.

Sa Metro Manila, maaaring pumalo sa 44°C ang heat index sa Pasay City habang 43°C naman sa Quezon City. Ayon sa PAGASA, posible ang heat cramps at heat exhaustion, habang may panganib din ng heat stroke kapag matagal na nabilad sa init.

Ipinaliwanag ng PAGASA na ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan kapag pinagsama ang temperatura ng hangin at humidity o halumigmig.

Pinakamainit na naitalang forecast na 46°C ay sa Dagupan City, Pangasinan; Tuguegarao City, Cagayan; at Sangley Point sa Cavite City.

Posible namang umabot sa 45°C ang heat index sa Echague, Isabela; Casiguran, Aurora; San Ildefonso, Bulacan; Camiling, Tarlac; at Pili, Camarines Sur.

Kabilang sa mga lugar na maaaring makaranas ng 44°C ang NAIA sa Pasay City, Clark Airport sa Pampanga, Muñoz sa Nueva Ecija, Infanta sa Quezon, Roxas City sa Capiz, at ilang bahagi ng Samar.

Samantala, kabilang ang Science Garden sa Quezon City sa mga lugar na posibleng makaranas ng 42°C na heat index. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here