Home NATIONWIDE Pagsalakay ng mga Pulis sa bahay ng isang kaibigan kinuwestiyon ng asawa...

Pagsalakay ng mga Pulis sa bahay ng isang kaibigan kinuwestiyon ng asawa ni Sen. Bato

27
0

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni Nancy Dela Rosa nitong Miyerkules ang legalidad ng umano’y operasyon ng mga awtoridad sa bahay ng isang kaibigan ng kanyang asawa na si Senator Ronald dela Rosa.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Nancy ang screenshot ng pahayag ni Choly Abilla Cabanban, na nagsabing humigit-kumulang 20 hanggang 30 operatiba mula sa National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group ang dumating sa kanyang bahay bandang alas-6 ng umaga.

Ayon kay Cabanban, humiling ang mga awtoridad na magsagawa ng search kaugnay ng warrant na umano’y para kay Sen. dela Rosa.

Sinabi rin niya na tinanong niya kung may partikular na search warrant para sa kanilang bahay, ngunit umano’y sinabihan siya na “not necessary.”

“Despite my reservations, I allowed the search to proceed,” ani Cabanban, at sinabing buong kooperasyon siyang nagbigay ng sagot sa mga tanong ng awtoridad.

Ayon pa sa kanya, tinanong din siya tungkol sa relasyon niya sa senador at kay Gen. Ma. O Aplasca, at inamin niyang malapit siya sa dalawa.

“Even under pressure, and even in situations that already feel deeply intrusive and harassing, I will never deny the people I consider true friends,” dagdag niya.

Bilang reaksyon, tinanong ni Nancy kung maaaring basta na lamang pumasok sa pribadong bahay ang mga awtoridad.

“Pwede ba ito? Papasok na lang kahit na kaninong bahay. Martial law na ba?” aniya.

Naglabas din siya ng panawagan sa publiko at sinabing maaaring sumunod na rin ang iba pang bahay na pasukin ng mga awtoridad habang isinasagawa ang operasyon.

Wala pang pahayag ang Philippine National Police at Cabanban hinggil sa insidente sa oras ng paglalathala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here