Home METRO Ama, 2 anak, tinangay ng agos ng ilog sa Davao City

Ama, 2 anak, tinangay ng agos ng ilog sa Davao City

47
0

DAVAO, Philippines – Isang 38-anyos na lalaki at ang kanyang dalawang anak ang nasawi matapos silang tangayin ng malakas na agos sa Talomo River sa Barangay Calinan Poblacion, Davao City nitong Martes ng hapon, Mayo 26, 2026.

Ayon sa ulat ng Davao City Police Office, unang natagpuan noong Huwebes ang bangkay ng 4-anyos na bata na palutang-lutang sa lugar ng insidente.

Bandang umaga ng Miyerkules, Mayo 27, narekober naman ng mga rescuer ang bangkay ng ama at ng 8-anyos na anak sa dam canal na pinamamahalaan ng National Irrigation Administration.

Batay sa imbestigasyon, lumalangoy umano ang mag-aama sa ilog nang biglang rumagasa ang tubig mula sa flash flood at tinangay sila.

Dinala na sa punerarya sa Calinan ang mga labi ng mga biktima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here