Home ENTERTAINMENT Sharon, binarag sa pix nila ni Kiko at Tito Sen!

Sharon, binarag sa pix nila ni Kiko at Tito Sen!

96
0

Manila, Philippines – Walang habas na nakatikim ng pambabarag mula sa mga netizens si Sharon Cuneta dahil sa kanyang Instagram post.

Inokray nang bonggang-bongga ang picture na ipinost ng Megastar kasama ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan at tyuhing si Sen. Tito Sotto.

Nakapukaw ng atensyon ang quote ni Sharon mula sa American author at poet na si Lawrence Overmire:

“To be on the right side of history is to advocate for the rights and well-being of all people.”

Ikinunek ng mga netizens ang phrase na “right side of history” sa mga kaganapan sa bansa kaugnay ng pulitika.

May kunek daw ‘yon sa mga ‘di pa nareresolbang isyu tulad ng flood control projects at mga kaso ng katiwalian–na mga pulitiko ang pangunahing sangkot.

Eto ang ilan sa mga comments:

“Pero flood control, walang comment. ‘Di na ho uubra ang mga ganyang estilong promotion.”

“Ayan na naman shaaaaaa pero tikom sa flood control, puro lang pa-show!”

“Pero bakit silent about flood control?”

Tiyak na ipagtataka din mismo ni Sharon kung bakit napasok ang flood control issue gayong hindi naman pinapanagot dito sina Tito Sen at Kiko.

What’s da kunek? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here