Home NATIONWIDE Pagbuo ng labor legal counsel plano ni DOLE Sec. Tolentino

Pagbuo ng labor legal counsel plano ni DOLE Sec. Tolentino

64
0
Ikinalugod ni Reelectionist Senator Francis 'TOL' Tolentino ang resulta ng survey na nagsasabing aprobado ng 78 percent ng mga Pilipino ang mga kandidatong nakikipaglaban sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS)

MANILA, Philippines – Plano ng bagong kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bumuo ng isang labor legal counsel program na tutulong sa mga mahihiral na manggagawa na nangangailangan ng legal assistance.

Sinabi ni Tolentino na nais niyang magkaroon ng serbisyong kahalintulad ng Public Attorney’s Office o PAO na tututok naman sa mga usaping may kinalaman sa labor at karapatan ng mga manggagawa.

Ayon kay Tolentino, layunin ng programa na mabigyan ng libreng legal assistance ang mga manggagawang walang kakayahang kumuha ng pribadong abogado lalo na sa mga kaso kaugnay ng labor violations, illegal dismissal, at iba pang labor disputes.

Binigyang-diin din ng bagong kalihim ang kahalagahan ng mas madaling access ng mga manggagawa sa hustisya at proteksyon sa ilalim ng batas.

Kasabay nito, tiniyak ni Tolentino na palalakasin pa ng DOLE ang mga programa para sa job generation, labor rights protection, at workplace safety sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here