Home ENTERTAINMENT IC, pumalag kay Zubiri!

IC, pumalag kay Zubiri!

53
0

Manila, Philippines – Pinalagan ni IC Mendoza ang pagbanggit ng pangalan ng kanyang lolang si Inday Badiday na ginawa ni Sen. Juan Miguel Zubiri sa Senado.

Si IC ay apo ni Inday–o higit na kilala bilang Ate Luds–anak ni Dolly Ann Carvajal.

Twenty two years nang namamayapa ang tinaguriang Queen of Intrigues.

Nabanggit kasi ni Zubiri ang pangalan ni Inday bilang reaksyon sa ipinalabas na “propaganda video” ni Sen. Imee Marcos.

Inalmahan ni Zubiri ang paratang ng kabaro na kasama siya sa mga senador na pabor sa charter change through a constitutional assembly.

Ani Zubiri, he wants the propaganda video stricken off the record.

At one point, ang obyus na galit na si Zubiri ay nakapagsalita ng: “Inday Badiday na ba tayo dito sa Senado?”

Hindi ito nagustuhan ni IC na nag-react sa Facebook: “Please do not disrespect the legacy of my late Mommy Luds. She was more than showbiz chika and intrigues.

“Reducing her name and legacy to describe the ‘circus’ happening in the Senate is offensive.

“Ang tagal nang patay ng lola ko. Please leave her out of your political commentaries and analogies.”

Humingi agad ng dispensa si Zubiri saying it was only ‘a slip of the tongue.’

Apology accepted na ba, IC? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here