Home HOME BANNER STORY Hotline para sa freelancers, gig workers, itatatag ng DOLE

Hotline para sa freelancers, gig workers, itatatag ng DOLE

52
0

MANILA, Philippines – Plano ni Acting Labor Secretary Francis Tolentino na magtatag ng hotline para tugunan ang mga reklamo at pangangailangan ng mga gig economy workers at freelancers.

“I intend to put up a hotline that will cater to the complaints and needs of our gig economy workers, mga freelancers,” ani Tolentino sa panayam sa “Balitanghali.”

Sinabi rin ni Tolentino na kinakailangang mabigyan ng mas malaking pagkilala at proteksyon ang mga platform riders at delivery workers.

“Kailangan natin bigyang ng recognition din and protection ‘yung ating mga platform riders, ‘yung mga nagde-deliver ng kape ninyo hatinggabi, ‘yung nauulanan, hinahabol ng aso. Kailangan magkaroon din po ng karampatang proteksyon sila,” dagdag niya.

Ayon sa US Chamber of Commerce, ang gig worker ay nagsasagawa ng indibidwal na trabaho, short-term projects, o tuloy-tuloy na serbisyo bilang independent worker sa ilalim ng project-based, hourly, part-time, temporary, o ongoing arrangements.

Sinabi ni Tolentino na bumubuo ang gig workers ng 42% ng workforce sa bansa kapag isinama ang informal sector.

Inihayag din ng acting labor chief ang plano nitong tugunan ang education-to-employment pipeline at ang paggamit ng artificial intelligence o AI sa hiring process.

“Siguro maglalabas ako ng isang administrative order na sa hiring processes ay dapat ilahad na nila kung ‘yung evaluation is with the use of AI. Although we recognize the value of algorithmic management, eh dapat tao pa rin ang mag-evaluate po sa kakayahan at kapasidad ng isang pumapasok na empleyado,” ani Tolentino.

Nauna nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Tolentino bilang acting secretary ng Department of Labor and Employment.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ginawa ang pagtatalaga dahil sa kondisyon ng kalusugan ni dating Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

“Tiwala si Pangulong Marcos Jr. na mapamumunuan ni incoming Acting Secretary Tolentino ang DOLE dahil sa kanyang kakayahan at malawak na karanasan sa paghawak ng mahahalagang tungkulin sa pamahalaan, local o national,” ani Castro. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here