Home NATIONWIDE Trayk driver arestado sa pagpatay, pagnanakaw sa 19-anyos na bebot sa Cebu

Trayk driver arestado sa pagpatay, pagnanakaw sa 19-anyos na bebot sa Cebu

62
0

CEBU – Isang 42-anyos na tricycle driver ang inaresto sa Alcoy, Cebu matapos umanong umamin sa pagpatay at pagnanakaw sa isang 19-anyos na babae na natagpuang naaagnas na bangkay sa Barangay Poblacion nitong Huwebes ng umaga, Mayo 28, 2026.

Kinilala ang suspek na si Anthony Antig, na umamin umano sa pag-ensayo ng saksak sa biktimang si Jeani Pyrll Oropesa Belardo bago itinapon ang katawan nito sa isang damuhang bahagi ng lugar. Huling nakitang buhay ang biktima noong Mayo 23, 2026 habang sakay ng tricycle ng suspek.

Ayon sa pulisya, iniulat ng live-in partner ng biktima, isang foreigner, ang pagkawala nito matapos hindi makauwi.

Nagkaroon ng breakthrough ang imbestigasyon nang ma-track ang tablet ng biktima gamit ang GPS na tumungo sa Dalaguete, Cebu. Narekober ang gadget mula sa isang residente na nagsabing binili niya ito mula sa lalaking kilala sa alyas na “Abat,” na kalaunan ay natukoy na ang suspek.

Arestado ang suspek sa kanyang bahay habang papaalis sana kasama ang kanyang pamilya. Narekober din ang kutsilyong hinihinalang ginamit sa krimen.

Ayon kay Alcoy police chief Maj. Jose Nilo Abella, may mga ulat na dati nang inakusahan ang suspek ng tangkang panggagahasa sa dalawang babae ngunit walang naihain na kaso. May impormasyon din na gumagamit umano ito ng droga. Isinasagawa pa ang awtopsiya upang matukoy kung ginahasa rin ang biktima. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here