MANILA, Philippines – Ang updated tax treaty na kamakailan lamang na tinintahan ng Pilipinas at Japan ay makatutulong na mapalakas ang investments at mapatitibay ang economic cooperation.
Sinabi ni Department of Finance (DOF) Secretary Frederick Go na nilagdaan ng dalawang bansa ang isang renegotiated Convention for the Avoidance of Double Taxation and Prevention of Fiscal Evasion with Respect to Taxes on Income sa panahon ng state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan.
Pinalitan ng kasunduan ang umiiral na tax treaty na orihinal na nagwakas noong 1980 at bahagyang inamiyendahan noong 2008.
Sa isang kalatas sinabi ni Go na winalis ng kasunduan ang panganib ng double taxation sa kita na kinita sa parehong hurisdiksyon, kaya nga ang pagbabawas sa halaga ng pagnenegosyo at pagpapahusay ng tax predictability para sa mga indibiduwal at magkatulad na mga negosyo.
“By streamlining cross-border tax treatment, the treaty is expected to create a more stable and efficient environment for trade and investment between the Philippines and Japan,” ayon kay Go.
Ipinakikilala rin nito ang updated provisions sa withholding taxes hinggil sa ‘dividends, interest, at royalties’ para makapaghikayat ng mas malaking investment.
“This agreement reflects the Philippines’ commitment to fostering a more competitive, predictable, and investment-friendly environment that will create high-quality employment opportunities and sustained economic growth,” ang winika pa rin ni Go.
Sa ngayon, ang Japan ang isa ‘top sources’ ng foreign direct investment’ ng Pilipinas na may annual inflows na lampas sa USD800 million noong 2022 at 2023.
“The updated tax framework is expected to further strengthen investor confidence and deepen economic engagement between the two countries,” ayon pa rin sa departamento.
Sinabi pa ng DOF na ang kasunduan ay inaasahan din na mapakikinabangan ng mahigit sa 245,000 overseas Filipino workers sa Japan. KRIS JOSE