Home HOME BANNER STORY Sandiganbayan: Wala pang arrest warrant vs Estrada, apat iba pa sa plunder...

Sandiganbayan: Wala pang arrest warrant vs Estrada, apat iba pa sa plunder case

33
0

MANILA, Philippines – Hindi pa nag-iisyu ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Fifth Division laban kay Senador Jinggoy Estrada para sa plunder na may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects, ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg.

“Wala pa kasi may mga motions [si Estrada] na pending,” sinabi ni Econg.

Ang tinutukoy niya ay ang urgent motion para bawiin ang paglalabas ng warrant of arrest na inihain ni Estrada nitong Biyernes ng tanghali, Mayo 29 sa Second at Fifth Divisions ng Sandiganbayan sa pamamagitan ng mga abogado nito.

Nang tanungin kung nangangahulugan itong walang warrant na ilalabas ang Fifth Division hangga’t hindi nareresolba ang urgent motion ni Estrada sa pagbawi ng paglalabas ng warrant of arrest, sinabi nito na “if it will impact the court’s actions, yes.”

Ang plunder ay isang non-bailable offense na nangangahulugang ang akusado ay agad na idi-detain sa oras na maisyuhan ng warrant of arrest.

Dapat na maghain ng bail petition ang akusado ng plunder at makakuha ng approval ng korte para pansamantalang makalaya habang pending pa ang kaso. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here