MANILA, Philippines – Mag-iisyu ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) kay Nancy Dela Rosa, asawa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at iba pang indibidwal na huling nakasama nito bago umalis sa protective custody ng Senado.
Sa press briefing, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na, “‘Yung mga huling nakasama niya, we will issue a subpoena. Of course, we’re contemplating on issuing a subpoena to his wife also.”
“Kasi may statement ‘yung wife sa online news ‘no that what happened on May 13, ‘yun ‘yung ginamit na opportunity ni Senator Bato to escape the arrest,” dagdag pa niya.
Nang tanungin kung mag-iisyu ng subpoena, sinabi ni Matibag na ang NBI ay naghahanda na para rito.
Matatandaan na umapela ang asawa ng senador na huwag payagang madala sa The Hague ang kanyang asawa.
Si Dela Rosa ay subject ng arrest warrant para sa “alleged criminal responsibility as an indirect co-perpetrator” sa crimes against humanity ng murder mula Hulyo 3, 2016 hanggang sa katapusan ng Abril 2018 kung saan 32 katao ang nasawi.
Ayon kay Matibag, si Dela Rosa ay pugante sa batas.
“And we’re still doing our best to locate him and to effect the arrest,” aniya. RNT/JGC