Home TOP STORIES Trump pinayuhang magbawas ng timbang

Trump pinayuhang magbawas ng timbang

28
0

WASHINGTON, USA – Sinabi ng White House noong Biyernes na idineklara ng doktor ni US President Donald Trump na nasa “excellent health” siya matapos ang kanyang annual medical check-up ilang linggo bago siya mag-80 taong gulang.

Ayon kay US Navy Captain Sean Barbabella, doktor ni Trump, “President Trump remains in excellent health, demonstrating strong cardiac, pulmonary, neurological, and overall physical function,” at “fully fit to carry out all duties of the Commander-in-Chief and Head of State.”

Gayunman, pinayuhan umano si Trump na magbawas ng timbang, dagdagan ang physical activity, at sumunod sa diet guidance. Iminungkahi rin ang low-dose aspirin at patuloy na weight loss bilang bahagi ng preventive care.

Ayon sa medical memo, si Trump ay may taas na 6-foot-3 (191 cm) at may timbang na 238 pounds (108 kg), na mas mataas ng 14 pounds kumpara sa nakaraang check-up noong nakaraang taon. Nasa tatlong gamot din siya, kabilang ang para sa cholesterol at aspirin para sa cardiac prevention.

Lumabas din sa ulat na ang “cardiac age” ni Trump ay tinatayang 14 taon na mas bata kaysa sa kanyang tunay na edad. Nakakuha rin siya ng perfect score na “30 out of 30” sa cognitive assessment.

Iniulat din na may “ecchymosis” o pasa sa kamay ni Trump na iniuugnay sa madalas na pakikipagkamay habang umiinom ng aspirin, ayon sa doktor.

Nabanggit din sa memo ang “scarring of the right ear consistent with prior gunshot injury,” kaugnay ng naunang insidente ng tangkang pagpatay sa kanya noong 2024 rally sa Pennsylvania.

Si Trump, na malapit nang mag-80 taong gulang sa Hunyo 14, ay sinabing “PERFECT” ang naging resulta ng kanyang medical exam sa isang post sa Truth Social. Ang White House ay naglabas din ng larawan na may caption na “PERFECT BILL OF HEALTH!”

Gayunman, nagkaroon ng tanong mula sa media dahil sa pagkaantala ng paglalabas ng full medical report, na karaniwang agad inilalabas matapos ang presidential physical. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here