Manila, Philippines – Niligwak ng Manila Prosecutor’s Office ang reklamong isinampa ni Alfred Vargas laban sa kapwa aktor na si Rob Sy.
Si Rob ang ama ng anak na umano’y nam-bully sa anak ng aktor at Quezon City Councilor at Yasmine Espiritu sa isang swimming training session.
Nitong April naghain ng crminal complaint ang mag-asawa bilang paglabag sa Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrinination Act laban kay Rob at sa misis nito.
Ayon sa korte, walang sapat na ebidensya si Vargas na magpapatunay na may pananagutan si Sy.
Kasabay nito’y naglabas ng pahayag si Sy ukol sa pagkakabasura ng kaso laban sa kanilang mag-asawa.
Itinanggi ni Rob na bully ang kanilang anak na pinalaki daw nila nang maayos: “Kung nagkamali kami ay aming itinatama at dinidisiplina.”
‘Yun daw ay gaya ng maayos na pagpapalaki din sa kanya ng kanyang mga magulang.
Tinawag ni Rob na kalkuladong “narrative reversal” ang reklamo ng aktor-pulitiko.
Nagsilbing witness ang swimming team at mga kaibigan ng kampo ni Rob para pumabor ang naging desisyon ng QC court.
Hinihintay ang pag-apela ng kampo ni Alfred kasunod ng dismissal. Ronnie Carrasco III