Home METRO Chinese na nagpanggap na Pinoy, arestado sa Laguna

Chinese na nagpanggap na Pinoy, arestado sa Laguna

33
0

LAGUNA, Philippines – Arestado sa Sta. Rosa ang isang Chinese national na umano’y nagpanggap bilang Pilipino, at kasalukuyang iniimbestigahan kung paano siya nakakuha ng driver’s license mula sa Land Transportation Office na ginamit sa kanyang panlilinlang.

Ayon sa ulat, ipinatupad ng Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation-OTCD ang deportation order at search warrant sa isang subdivision, ngunit hindi agad natagpuan ang target at isang babae lamang ang nadatnan sa bahay.

Kalaunan, natunton ang suspek sa loob ng subdivision at naaresto habang nagjo-jogging matapos umano niyang subukang tumakas ngunit na-corner at nasakote rin ng mga operatiba.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, ang Chinese national ay gumamit umano ng pekeng dokumento kabilang ang Philippine driver’s license na nagpakilalang Pilipino. Narekober din ang kanyang Chinese passport na valid hanggang 2027.

Batay sa rekord, unang nag-apply ang suspek ng driver’s license noong 2010 at nag-renew noong 2018 sa Bulacan, kung saan nakalagay na Pilipino ang kanyang nasyonalidad. Ayon sa Land Transportation Office, hindi ito conversion ng foreign driver’s license kundi hiwalay na aplikasyon.

“This is not a conversion of a license. A foreign-issued license converted into a Philippine license—that is not the case,” ayon kay LTO chief Asst. Sec. Markus Lacanilao.

Dagdag pa niya, “They use Filipino names. They try to hide by pretending to be Filipino-Chinese, but they are actually Chinese nationals posing as Filipinos.”

Ayon sa Department of Justice, kasalukuyang nasa detention facility ng BI ang suspek at naghahain ng apela.

“(Revocation) is automatic. We will cancel his driver’s license, and the places where it was issued must also be investigated,” dagdag pa ng LTO.

Sinabi rin ng mga awtoridad na posibleng nagagamit ang ganitong mga dokumento sa pagkuha ng ari-arian at iba pang ilegal na aktibidad, at itinuturing din itong isyu ng pambansang seguridad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here