Home NATIONWIDE 17 lugar makakaranas ng matinding init ngayong Hunyo 1 — PAGASA

17 lugar makakaranas ng matinding init ngayong Hunyo 1 — PAGASA

27
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na 17 lugar sa bansa ang makakaranas ng “danger” level na heat index ngayong Hunyo 1, na maaaring umabot mula 42°C hanggang 45°C.

Kabilang sa may pinakamataas na inaasahang heat index na 45°C ang Baler at Casiguran sa Aurora, at Borongan sa Eastern Samar. Posible namang umabot sa 44°C ang Infanta, Quezon at Hinatuan, Surigao del Sur.

Nasa 43°C naman ang inaasahang heat index sa Catbalogan, Samar at Guiuan, Eastern Samar.

Samantala, kabilang sa mga lugar na maaaring makaranas ng 42°C heat index ang Dagupan City, Pangasinan; Tuguegarao City, Cagayan; Cavite City; Daet, Camarines Norte; Virac, Catanduanes; Roxas City, Capiz; Surigao City; at Butuan City.

Ayon sa PAGASA, nasa 56 pang lugar ang makakaranas ng “extreme caution” level na heat index na nasa pagitan ng 33°C at 41°C. Mayroon ding hindi bababa sa dalawang lugar na nasa “caution” level na may 27°C hanggang 32°C na heat index.

Samantala, mas mababa ang inaasahang heat index sa ilang bahagi ng Benguet, kabilang ang Baguio City at La Trinidad na parehong nasa 25°C.

Ang heat index ay tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan kapag pinagsama ang temperatura ng hangin at halumigmig o humidity. Kapag mataas ang humidity, mas nahihirapang lumamig ang katawan dahil mabagal ang pagsingaw ng pawis. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here