Home OPINION FLOOD SCAM PROBE SANA MATULOY NA

FLOOD SCAM PROBE SANA MATULOY NA

63
0

SA araw na ito ipadadala ng Senate Blue Ribbon Committee subcommittee ang mga imbitasyon sa mga pinaniniwalaang susing tao para sa ikalilinaw nang buo ng P1.3-P1.7 trilyong flood control scandal sa nakalipas na tatlong taong panunungkulan ni Pangulong Bongbong

Kabilang umano sa mga pangunahing iimbitahan bilang resource persons ang ex-18 Marines at sundalo, si ex-Marine Orly Guteza, maglolong Lucas at Adrian Bersamin, mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, dating Congressman Zaldy Co via zoom at iba pa.

Dalangin lang natin na matuloy ang pagdinig sa Hunyo 4, 2026 ng sub-committee dahil sa araw ding ito, susubukin pa ring maagaw ng ngayo’y minorya ang liderato mula sa mayorya sa ilalim ni Senate President Alan Peter Cayetano at posibleng may haharang sa mga resource persons.

Kung magtagumpay ang pang-aagaw, tapos na ang lahat sa flood control investigation dahil pati ang Senate Blue Ribbon Committee ay mapapalitan na rin ng pamunuan na posibleng magsasara na sa imbestigasyon.

At tuluyan nang mabubura ang isyu sa korapsyon at pandarambong, kasama ang mga utak o mastermind dito na matatagpuan sa Kongreso at Malakanyang.

Sa huli, marahil hanggang doon na lang sa mga survey makikita ang pananaw ng taumbayan.

Magtutuloy-tuloy na negatibo ang pagtitiwala at paggusto ng taumbayan sa pamunuan ng pamahalaan.

Ngunit kung walang pagbabago sa pamunuan sa Senado at hindi haharangin ang mga resource person, may tsansa na higit na magtitiwala ang taumbayan sa mga institusyon ng gobyerno, partikular ang Senado.

Pero higit dito, makakamit ang katotohanan sa mga utak at mastermind ng korapsyon at pandarambong at makababawi kahit kaunti ang taumbayan sa mga kinulimbat na salaping bayan.

Maganda ring may makulong sa mga ito bilang ehemplo sa taumbayan.

Ang matitira na lang na kuwestiyon marahil ay kung aayon sa katotohanan ang Office of the Ombudsman at Department of Justice sa magiging rekomendasyon ng Senado para sa pag-uusig sa mga utak at mastermind.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here