Home NATIONWIDE 2 pulis na walang helmet habang sakay ng motorsiklo, pinagpapaliwanag ng LTO

2 pulis na walang helmet habang sakay ng motorsiklo, pinagpapaliwanag ng LTO

32
0

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang dalawang pulis matapos lumabas sa viral na mga larawan na sila ay walang suot na helmet habang nakasakay sa motorsiklo.

Ayon sa LTO, naglabas sila ng Show Cause Order (SCO) at inutusan ang dalawang pulis na magpaliwanag sa nangyari. Kinunan sila ng larawan habang naka-uniporme ngunit walang helmet habang nagmomotorsiklo.

Binigyan sila ng LTO ng takdang petsa para humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) at magsumite ng pormal na paliwanag kung bakit hindi sila dapat papanagutin sa paglabag sa batas trapiko, partikular sa mandatory helmet law at posibleng pagiging “improper person to operate a motor vehicle.”

Pinagsusurrender din ang kanilang driver’s license at isinailalim ito sa 90-day preventive suspension. Ang kanilang mga motorsiklo ay nilagyan din ng alarm status.

Binigyang-diin ng LTO na walang exempted sa batas-trapiko, kahit pa mga uniformed personnel o pulis. Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, layunin ng batas na protektahan ang buhay ng mga motorista at pasahero.

Dagdag pa niya, ang pagsunod sa batas ay para sa kaligtasan ng lahat at maaaring makapagligtas ng buhay ng mga rider at kanilang pamilya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here