Home TOP STORIES Iran: Walang kasunduan sa US ga’t walang tiyak na proteksyon sa karapatan...

Iran: Walang kasunduan sa US ga’t walang tiyak na proteksyon sa karapatan ng Iran

28
0

TEHRAN, Iran – Sinabi ni Mohammad Bagher Ghalibaf, chief negotiator ng Iran, na hindi tatanggap ang Tehran ng anumang kasunduan sa Estados Unidos hangga’t hindi natitiyak na napoprotektahan ang mga karapatan ng mamamayang Iranian.

Ayon sa kanya, “We will not approve any agreement until we are certain that the rights of the Iranian people have been upheld,” na binigyang-diin niya sa isang video statement na ipinalabas sa state television.

Ang pahayag ay ginawa sa gitna ng patuloy na negosasyon ng US at Iran tungkol sa posibleng kasunduan na layong tapusin ang alitan sa pagitan ng dalawang bansa. Gayunman, nananatiling malalaking isyu ang hindi pa rin napagkakasunduan, kabilang ang mga kondisyon sa seguridad, at iba pang hinihingi ng magkabilang panig.

Sinabi rin ng Iran na patuloy ang pag-uusap ngunit wala pang pinal na kasunduan, at posible pa itong tuluyang hindi matuloy kung hindi mapagkakasunduan ang mahahalagang kondisyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here