MANILA, Philippines – Sinabi ni House Committee on Labor and Employment chairperson at Cavite Rep. Jolo Revilla na sumusuporta siya sa panawagan ni Labor Secretary Francis Tolentino na dagdagan ang bilang ng labor inspectors sa bansa.
Ayon kay Revilla, “Support kita boss!” at naniniwala siyang makakatulong ito para mas mapalakas ang pagpapatupad ng mga batas sa paggawa at proteksyon ng mga manggagawa.
Ipinunto niya na mahalaga ang dagdag na labor inspectors dahil sila ang “frontline guardians of workers’ rights,” na tumitiyak sa pagsunod ng mga negosyo sa labor standards, safety rules, at iba pang regulasyon sa trabaho.
Dagdag pa ni Revilla, makakatulong din ito para magkaroon ng patas na kompetisyon sa pagitan ng mga negosyo dahil mapipigilan ang mga lumalabag sa batas.
Ayon sa ulat, suportado rin niya ang planong pagtaas ng budget ng DOLE para makapag-hire ng mas maraming labor inspectors, dahil sa kasalukuyan ay kulang ang aktwal na nag-iinspeksyon kumpara sa kabuuang bilang na nakalista sa ahensya.
Ipinahayag din ni Tolentino ang plano na makipagtulungan sa TESDA para sa pagsasanay ng mas maraming inspectors, at nangako si Revilla na makikipag-ugnayan siya sa DOLE sa mga budget deliberations para matugunan ang kakulangan sa manpower. RNT/MND