Home NATIONWIDE “Longest day” mararanasan sa Hunyo 21 — PAGASA

“Longest day” mararanasan sa Hunyo 21 — PAGASA

27
0

MANILA, Philippines – Ayon sa PAGASA, mararanasan sa Northern Hemisphere ang “longest day” o pinakamahabang oras ng liwanag ng araw sa Hunyo 21, 2026.

Kasabay nito, magsisimula rin ang panahon ng tag-init sa Northern Hemisphere at taglamig naman sa Southern Hemisphere.

Ipinaliwanag ng PAGASA na nangyayari ito kapag ang araw ay nasa pinaka-hilagang bahagi ng langit, kaya mas mahaba ang araw at mas maikli ang gabi.

Samantala, sinabi rin ng ahensya na magsisimula ang June Bootid meteor shower sa Hunyo 22 at tatagal hanggang Hulyo 2. Aabot naman ito sa pinakamataas na aktibidad sa Hunyo 27.

Ayon sa International Meteor Organization, ang June Bootid ay isang variable meteor shower, kaya nag-iiba ang dami ng nakikitang “shooting stars” depende sa kondisyon ng langit at panahon.

Sinabi ng PAGASA na mas mainam itong mapanood sa gabi, lalo na kung maliwanag at walang ulap ang kalangitan, at mas maganda kung malayo sa ilaw ng lungsod. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here