MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaking mangingisda na wanted sa kaso ng pangggahasa sa isinagawang pagtugis laban dito napaulat sa Malabon City.
Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nabatid na ang akusado ay ang akusado ay residente ng Brgy., Longos ng lungsod at nakatala bilang No. 5 sa Top Ten Most Wanted Person sa NPD at No. 4 naman sa Malabon City Police Station.
Nabatid na ikinasa ng mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig ang pagtugis sa akusado nang maglabas ng arrest warrant laban sa kanya ang Family Court, Branch 4, Malabon City para sa dalawang bilang ng Rape at dalawang bilang ng Rape by Sexual Assault.
Kaagad inaresto ang akusado sa bisa ng nasabing warrant nang matiyempuhan sa kanilang lugar ng pinagsamang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) at Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Malabon CPS.
Matapos nito, isinailalim ang akusado sa medical examination bago tinurnover sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS kung saan siya pansamantalang ikukulong habang hinihintay ang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Merly Duero)