Home NATIONWIDE Kasunduan sa pagpapahusay ng crime data system, nilagdaan ng PNP, SoKor

Kasunduan sa pagpapahusay ng crime data system, nilagdaan ng PNP, SoKor

24
0

MANILA, Philippines – Pumirma ng kasunduan ang Philippine National Police (PNP) at mga kinatawan ng South Korea para sa pagpapabuti ng sistema ng crime data management at analysis sa bansa.

Ayon sa PNP, layunin ng proyekto na tinatawag na Criminal Investigation Data Management and Analysis System (CIDMAS) na pagsamahin ang magkakahiwalay na crime databases sa isang unified platform.

Sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na makakatulong ang sistemang ito para mas mapabilis ang pagproseso ng kaso, mapahusay ang pagsusuri ng krimen, at mapadali ang koordinasyon ng mga imbestigador.

Ipinunto rin niya na sa pamamagitan ng mas maayos na data system, mababawasan ang manu-manong encoding ng impormasyon at magkakaroon ng mas mabilis na access sa mahahalagang datos na kailangan sa imbestigasyon.

Dagdag pa ng PNP, ang partnership ay bahagi ng modernisasyon ng kanilang operasyon at pagbabase sa “data-driven policing” na ginagamit din sa South Korea, na kilala sa advanced at integrated law enforcement systems.

Layunin ng proyekto na mapabuti ang crime prevention, mapabilis ang response time ng pulisya, at mapataas ang case resolution rate sa buong bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here